--Ads--

BAGUIO CITY – Limitado na ngayon ang bilang ng mga hikers at trekkers na pinapayagang umakyat ng sikat na Mt. Pulag sa Kabayan, Benguet.

Sa panayan ng Bombo Radyo Baguio kay Mt. Pulag National Park Superintendent Emerita Albas, sinabi niya na araw-araw ay 400 hanggang 600 na hikers at trekkers ang pwede lamang umakyat ng nasabing bundok.

Aniya, mula pa noong nakaraang buwan ng Marso ay punung-puno na ang reservations para sa Mt. Pulag lalo na sa weekends at holidays kaya hindi na sila magbubukas pa ng additional slot sa nalalapit na Semana Santa.

Inamin niya na maraming mga nagrereklamong hiker at trekkers na hindi napayagang umakyat ng Mt. Pulag matapos madiskobre na walang reservations ang mga ito kaya hinihikayat na lamang nila ang mga ito na bumisita sa ibang tourist destinations sa Kabayan.


bahagi ng panayan ng Bombo Radyo Baguio kay Mt. Pulag National Park Superintendent Emerita Albas

Ayon pay kay Albas, pinagsabihan na rin nila ang mga tour organizers para limitahan ng mga ito ang bilang ng mga hikers at trekkers na pwedeng umakyat ng bundok para hindi mawalan ng slots ang mga maiimbitahan.

Sa ngayon, nananatili pa rin ang halaga ng mga fees na dapat bayaran ng mga hikers at trekkers na umaakyat ng Mt. Pulag.