Rescuers work at the site of a high-rise building under construction that collapsed after a 7.7 magnitude earthquake in Bangkok, Thailand, Friday, March 28, 2025. (AP Photo/Sakchai Lalit)
--Ads--

Lumampas na sa 700 katao ang nasawi sa malakas na 7.7 magnitude na lindol na yumanig sa Myanmar at Thailand kahapon ng hapon.

Patuloy ang isinasagawang paghuhukay ng mga rescuer sa mga gumuhong gusali sa pag-asang mailigtas pa ang mga na-trap at nawawalang indibidwal.

Ayon sa pinakahuling ulat ng mga awtoridad, 694 ang kumpirmadong nasawi at halos 1,700 naman ang sugatan sa Mandalay, Myanmar. Samantala, 10 katao ang naiulat na nasawi sa Bangkok, Thailand.

Nitong hapon ng Biyernes, tumama ang lindol na may lakas na 7.7 magnitude sa hilagang-kanluran ng Sagaing, Myanmar, na sinundan pa ng isang 6.7 magnitude na aftershock.

Dahil sa matinding pagyanig, maraming gusali ang gumuho, habang ilang kalsada at tulay ang nabitak sa iba’t ibang bahagi ng Myanmar.

Naramdaman din ang malakas na pagyanig sa ilang bahagi ng Thailand, partikular sa Bangkok, na nagdulot ng pangamba sa mga residente.