--Ads--

Isinagawa ang surprise drug testing sa lahat ng personnel ng BJMP Male Dormitory at ilang persons deprived of liberty (PDL) noong Mayo 21, 2026.


Ayon sa BJMP, bahagi ito ng quarterly na aktibidad ng ahensiya na layong tiyakin ang kaligtasan sa loob ng pasilidad at mapanatili itong drug-free.


Sinabi ni JSINP Rolando Diwas, Chief Administrative Section na nangangasiwa sa drug testing, na ipinapakita ng naturang hakbang sa publiko ang patuloy na pagpapanatili ng drug-free na operasyon ng pasilidad.


Kasabay ng drug testing, isinagawa rin ang greyhound operations sa mga selda upang masusing ma-inspeksiyon ang loob ng kulungan.
Ipinaliwanag ni Diwas na ang mga naturang aktibidad ay nakatuon sa mas mahigpit na seguridad upang maiwasan ang anumang iligal na kontrabando na maaaring makapasok sa pasilidad.


Dagdag pa niya, lahat ng pumapasok sa kulungan ay sumasailalim sa inspeksiyon, kabilang na ang mga personnel ng BJMP.


Ibinahagi rin niya na noong nakaraang taon ay muling kinilala ang pasilidad bilang Drug-Free Facility.


Hinikayat din ng opisyal ang publiko na patuloy na suportahan ang mga pamilya ng persons deprived of liberty at tiniyak na tuloy-tuloy ang mga programa para sa kanila.


Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang siksikan sa BJMP Male Facility, bagaman mas magaan na ito kumpara sa mga nakaraang taon.


Umaasa ang BJMP sa agarang pagtatapos ng itinatayong BJMP New Facility sa Barangay San Luis upang matugunan ang mga isyung kaugnay ng overcrowding sa pasilidad. | via Bombo Noveh Organo