--Ads--

BAGUIO CITY — Ipinapasuri ang boat rental fees sa Burnham Park matapos umanong magkaroon ng pagtaas sa singil na hindi dumaan sa kinakailangang proseso ng pag-apruba ng Baguio City Council.

Ayon sa pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa kanyang facebook account, kailangang dumaan muna sa pag-apruba ng City Council ang anumang pagbabago o pagtaas sa boat rental fees at hindi maaaring basta-basta magpatupad ng dagdag-singil ang mga concessionaire.

“Yung increase ng boat fees, dadaan pa dapat sa approval ng City Council—hindi basta-basta puwedeng magtaas ng singil.”

We cannot allow a few opportunists to destroy the image of Baguio as a human-centric city.

Kasabay nito, ipinag-utos din ang pagsisiyasat sa kondisyon ng mga bangka sa Burnham Park, partikular ang mga luma at posibleng hindi na ligtas gamitin.

“Pinapatanggal din natin ang mga luma at hindi ligtas na boats.”

Binigyang-diin ng opisyal na dapat unahin ang kaligtasan at kapakanan ng publiko, gayundin ang pagpapanatili sa imahe ng Baguio City bilang isang human-centric na lungsod.

“Unahin natin ang safety at kapakanan ng publiko.”

Patuloy naman ang isinasagawang inspeksyon upang matukoy kung may paglabag sa umiiral na mga patakaran kaugnay ng boat rental operations sa Burnham Park.