--Ads--

BAGUIO CITY – Pormal nang inilunsad ng Department of Tourism- Cordilera ang “Bring Home a Friend Program” sa pangunguna ni DOT – Cordillera Regional Director Maria Venus Tan.

Hanggad ng programa na imbitahan ng mga tao ang kanilang mga kaibigan mula sa ibang bansa upang bumisita sa rehiyon.

Sinabi ni Tan na kailangan lamang nilang magparehistro sa official website ng Department of Tourism.

Aniya, pwedeng manalo ang mga sumali dito ng isang condominium unit, kotse at shopping spree na aabot sa P200,000 pagkatapos ng nasabing programa sa August 2018.