--Ads--

BAGUIO CITY – Lumalakas ang golf tourism sa Baguio matapos buksan sa publiko ang Camp John Hay Golf Course, ayon sa pamunuan ng John Hay Management Corp.

BAGUIO CITY – Lumalakas ang golf tourism sa Baguio matapos buksan sa publiko ang Camp John Hay Golf Course, ayon sa pamunuan ng John Hay Management Corp.

Sinabi ni JHMC President at CEO Manjit Singh Reandi na mas maraming lokal ang nahihikayat ngayong maglaro ng golf dahil bukas na sa publiko ang 18-hole course at na-rehabilitate na ang driving range.

Ayon naman kay Golfclub Management Corp. President Eduardo Arguelles, umaabot na sa 120 golfers kada araw ang gumagamit ng pasilidad. Tumaas din umano ang benta ng 30 hanggang 35 porsiyento nitong tag-init at 20 hanggang 25 porsiyento kahit tag-ulan kumpara noong nakaraang taon.

Samantala, sinabi ni Baguio Country Club General Manager Anthony de Leon na nananatiling pangunahing golf destination ang Baguio, bagama’t kailangan pa ng mas maraming hakbang upang makahikayat ng mas maraming dayuhang golf tourists.