--Ads--

Aabot sa 400 kilo ng carrot na malapit nang maani ang ninakaw ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang taniman sa Buguias, Benguet.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng kamag-anak ng may-ari ng pananim, madaling araw ng Marso 22, 2026 nang pasukin ng mga suspek ang taniman at inunahan ang pag-aani ng mga carrot.

Ayon sa kanya, medyo malayo sa kabahayan ang lokasyon ng taniman, kaya posibleng sinamantala ito ng mga suspek upang maisagawa ang pagnanakaw.

May naiwan pang dalawang sako ng carrot sa lugar na posibleng hindi na nakuha ng mga suspek matapos marahil nilang makutuban na may paparating.

Aniya, nakatakda sanang anihin ng may-ari ang mga carrot noong Marso 23, 2026, ngunit hindi ito natuloy dahil bumisita sila sa kanilang ama na naka-confine sa ospital.