BAGUIO CITY – Kinansela ng COMELEC ang Certificate of Candidacy ng isang Mayoralty Candidate sa Abra dahil sa lack of residency o kakulangan ng paninirahan nito sa tinatakbuhang bayan sa nasabing lalawigan.
Nakilala itong si Langangilang Mayoralty Candidate Rovelyn ‘Ruby’ Echave Villamor.
Batay sa batas, ang isang kandidato ay kailangang natural born Filipino Citizen at kailangang nag-establish ng paninirahan ng isang taon bago ang araw ng halalan.
Batay sa isang dokumento na nakuha ng kampo ng kalaban ni Villamor mula umano sa COMELEC 2nd Division, nakasaad na isang US citizen si Villamor mula pa noong 2009 at nabigo itong mapatunayan na nakuha muli niya ang kanyang Filipino Citizenship.
Nakasaad na nakagawa si Villamor ng false material representation sa kanyang COC ng isinaad nito na residente siya ng bansa sa loob ngt 36 years at 8 months.
Napag-alaman na ang petisyon sa para sa pagkanselar sa COC ni Villamor ay ipinila ng kalaban nito sa pagka-alkalde na si Ret. Gen. Antonio Bello Viernes.
Ayon naman sa kampo ni Viernes, pwede pang magpila si Villamor ng motion for recosideration sa COMELEC en banc at sa ngayon ay kandidato pa rin ang kanyang kalaban.