BAGUIO CITY – Sapat umano ang suplay ng mga bulaklak sa Cordillera Administrative Region kasabay ng selebrasyon ng Panagbenga o Flower Festival sa lungsod ng Baguio at ang papalapit na araw ng mga puso.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Andy Colty Sr., miyembro ng Sayantistang magsasaka sa Cordillera, siniguro ng mga magsasaka na maraming bulaklak ang maaani ngayong buwan.
Naniniwala si Colty na lahat ng mga cut flower vendors sa rehiyon ay makakabenta dahil sunod-sunod ang mga aktibidad sa lungsod.
Ayon naman kay Marcela Wagner, rose farmer sa Bahong, La Trinidad, Benguet, sapat ang suplay ng mga rosas dahil nasusuplayan nila ang Metro Manila, Nueva Ecija at Ilocos Region.
Sa kabila nito, hindi naalis ang kanilang takot sa mga posibleng smuggled na bulaklak gaya na lamang ng orchids mula Thailand at Cambodia.
Gayunpaman, nagpapasalamat si Colty dahil tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa kanyang pagbisita sa probinsiya ng Benguet na hindi pababayaan ng ahensiya ang industriya ng cut flower sa rehiyon Cordillera.
Samantala, sinabi ni Colty na hindi naapektuhan ang industriya ng cut flower industriya sa rehiyon sa kabila ng nararanasang El NiƱo phenomenon.