--Ads--

BAGUIO CITY – Nasira ang pader ng isang bahay sa Saint Anthony Extension, Purok 2, Dominican Hill, Baguio City matapos matamaan ng malaking bato na nahulog pasado alas 7:00 ng gabi kahapon, Abril 28, kasunod ng malakas na pag-ulan.

Ayon sa mga nakatira sa nasabing bahay, kasalukuyan silang nanonood nang makarinig sila ng malakas na kalabog, kaya agad silang tumakbo palabas ng bahay upang makaligtas.

Sa isinagawang inspeksyon, nakita na nabutas ang pader ng bahay matapos tamaan ng malaking batong nahulog mula sa itaas na bahagi ng lugar.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang may-ari ng bahay sa City Social Welfare and Development Office at sa mga opisyal ng barangay para sa posibleng tulong na maaaring ipagkaloob sa kanila. |via Bombo Noveh Organo