--Ads--

BAGUIO CITY – Tumaas na sa P288-M ang danyos sa irrigation facilities sa Cordillera dahil sa lindol, ayon sa inisyal na report ng National Irrigation Administration (NIA)-Cordillera.

Mula sa nasabing halaga, P193 milyon ang danyos na naitala sa Abra dahil sa pagkasira ng Abra River Irrigation System (ARIS), ang nag-iisang irrigation system ng probinsiya, ang mga communal irrigation systems sa ibat-ibang munisipyo, ang opisina ng NIA at iba pa.

Ang pinsala ay naitala rin sa ibat ibang probinsiya ng Cordillera.

Ang nasabing danyos ay posibleng madagdagan dahil patuloy ang assessment at validation na isinasagawa ng concerned agency lalong-lalo na at may nararanasan pang aftershocks.