BAGUIO CITY – Nakatakdang lumaban muli si three time World Boxing Bantamweight challenger King Arthur Villanueva sa Las Vegas, Nevada sa Amerika sa susunod na buwan ng Hulyo.
Sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo Baguio sa pinoy boxer, tatangkain niya na makapasok sa world ranking ng Bantamweight division kung malalagpasan niya ang napapabalitang makakalaban niya na American world rated boxer na si Saul Sanchez.
Ayon pa sa dating International boxing champion, nagdesisyon ito na bumalik sa Bantamweight division mula Junior Featherweight Division kung saan nabigo itong manalo kontra kay Elijah Pierce noong nakaraang Marso.
Sa ngayon ay nasa matinding ensayo na ang Negros Occidental native na kasalukuyang nagsasagawa ng training sa Knuckleheads Boxing Gym ng MP Promotions na pagmamay-ari ni Sean Gibbons.
Naniniwala pa ang 35 anyos na boksingero na kaya pa niyang makipagsabayan sa mga world rated boxers para makamit ang inaasam niyang pangarap na maging world boxing champion.
Si Villanueva ay dating kampeon sa WBO Asia Pacific super flyweight, WBO International super flyweight at IBF International Jr Bantamweight.
Ang kanyang boxing career ay nasa pangangalaga ng Team Pinoy Boxing Prodigy ni Darwin Miller Dep-ay at naka base ito sa Highland Boxing Gym sa La Trinidad, Benguet na pagmamay-ari ng international matchmaker na si Brico Santig.
Hawak ngayon ng pinoy brawler ang impresibong ring record na 35 wins at 5 looses.//Bombo Jordan Tablac
CLICK THE LINK TO VIEW THE FULL INTERVIEW: