Handa ang Department of Health (DOH) na makipagtulungan nang buo sa Ombudsman at Department of Justice (DOJ) sa imbestigasyon sa umano’y pinataas na singil sa ilang ospital.
Ayon kay DOH spokesperson Usec. Albert Domingo, ang overpricing ng hospital fees ay isang krimen at maaaring maituring na falsification of public documents. Aniya, bagamat karamihan sa mga ospital ay tapat, may ilan pa ring lumalabag.
Sinabi rin ng DOH na gagamitin nila ang buong saklaw ng batas upang mapanagot ang mga responsable at masiguro ang due process.
Samantala, binatikos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang umano’y “bloated” emergency room charges, habang iginiit ni Senador JV Ejercito na dapat higpitan ang pagbabantay sa mga pribadong ospital at posibleng inaabuso rin ang PhilHealth coverage.











