--Ads--

BAGUIO CITY – Maitatampok ang “ethnic fashion show” sa Lang-ay festival ng Mt. Province.

Dito ay maipapakita ang mga habing produkto na gawa ng mga local weavers sa lalawigan.

Ayon kay Paulino Tumapang Jr., chairperson ng Lang-ay Festival Organization, prayoridad nilang ipakita ang obra ng mga local weavers at designers upang maitaguyod ang weaving industry ng lalawigan.

Ilan sa mga produkto ng mga ito ang mga damit, bags, accessories, gowns at barongs.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang koordinasyon ng organisasyon sa Provincial Toursim Office ng Mt. Province sa nalalapit na Lang-ay Festival.

Gaganapin ang Lang-ay Festival sa Abril kasabay ng Foundation Day celebrations ng probinsiya.

Ito ay may tema na “Reminiscing and Fostering our Cultural Integrity.”