--Ads--

ESTADOS UNIDOS – Ikinatuwa at tinawag ni former President Donald Trump na “Big win for our Constitution and democracy” ang desisyon ng Supreme Court na may karapatan ito sa immunity mula sa federal prosecution para sa mga opisyal na aksyon na nagawa niya habang nasa pwesto pa ito.

Ito ay sa kabila ng nalalapit na election season na maaaring makaantala sa pagsisimula ng kanyang criminal trial sa Washington, D.C.

Napagpasyahan ng federal appeals court ng Washington na hindi karapat-dapat si Trump para sa broad immunity sa mga criminal charges nito mula sa di umano’y plano nito na manatili sa kapangyarihan pagkatapos ng 2020 election.

Ang naturang desisyon ay nagpapalawak sa kapangyarihan ng pangulo sa pamamagitan ng pagpapalawig ng immunity sa mga kriminal na pag-uusig sa mga dating pangulo para sa kanilang official conduct.

Kung maalala ay si Trump ang kauna-unahang pangulo na nahaharap sa pag-uusig sa Estados Unidos kung saan binigyang-diin niya na hindi siya nagkasala sa apat na kaso laban sa kanya.

Samantala, kailanman ay hindi pa naglabas ng desisyon ang Supreme Court kung ang former commander in chief ay maaaring humarap sa criminal charges bilang resulta ng conduct nito habang nasa Oval Office.