--Ads--
Nakuhanan sa video ang pananakit ng anim na kabataan sa isang Grade 8 student sa Poblacion, Tuba, Benguet.
Nangyari ang insidente noong Huwebes, Hulyo 8, ngunit ngayon lamang ito naiparating sa Bombo Radyo ng isang concerned citizen.
Sa video, makikita ang pagsaklolo ng isang driver na siyang umawat sa insidente.
Batay sa inisyal na impormasyon, agad dinala sa ospital ang biktima. Nabatid din na nagdadalawang-isip na itong pumasok muli sa paaralan dahil sa trauma.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ating himpilan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang alamin ang kanilang mga hakbang kaugnay sa insidente at matiyak na hindi na ito maulit.//Bombo Genzel Depayso