IRAN – Napatay ang Hamas top political leader na si Ismail Haniyeh sa isang pagsalakay na isinagawa ng Israel sa kanyang tahanan sa Tehran, Iran.
Ayon sa ulat, pumanaw si Haniyeh matapos lumahok sa seremonya ng inagurasyon ng bagong pangulo ng Iran na si Masoud Pezeshkian.
Si Haniyeh ay isang kilalang miyembro ng Hamas noong late 1980s.
Ikinulong ng Israel si Haniyeh sa loob ng tatlong taon noong 1989 ngunit nakatakas sa unang pag-aalsa ng Palestinian.
Napilitan siyang manirahan sa isang no-man’s-land sa pagitan ng Israel at Lebanon kasama ang ilan pang pinuno ng Hamas.
Bukod pa rito, si Haniyeh ay hinirang na punong ministro ng Palestinian noong taong 2006 sa pamamagitan ni Pangulong Mahmoud Abbas matapos manalo ang Hamas ng ‘most seats’ sa national election.
Gayunpaman, ito ay ibinasura matapos natanggal ang Mr Abbas’ Fatah party mula sa Gaza Strip kasunod ng isang linggo ng nakamamatay na karahasan.
Samantala, siya ay nahalal bilang pinuno ng Hamas’ political bureau noong 2017.
Taong 2018 nang italaga ng US Department of State si Haniyeh bilang isang terorista at siya ay nanirahan din sa Qatar nitong mga nakaraang taon.