--Ads--

Mahigit 100 katao ang nasawi matapos gumuho ang isang artisanal gold mine sa Zamboye village sa Central African Republic, ayon sa isang opisyal ng lokal na mining association.

Nangyari ang insidente noong Martes malapit sa border ng bansa at Cameroon.

Kinumpirma naman ng prosecutor sa Boaur ang pagkakaroon ng maraming nasawi at sugatan, habang may ilan pang nawawala, ngunit wala itong inilabas na eksaktong bilang.

Karaniwan ang artisanal mining sa Africa bilang pinagkukunan ng kabuhayan, ngunit madalas itong nauuwi sa aksidente dahil sa mahinang regulasyon at safety standards.