Pinaghihinalaang dulot ng ilegal na mga lagusan ang sinkhole sa Camp 7, kaya pinaigting ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang kampanya laban sa illegal mining.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, magpupulong ang City Mining Regulatory Board upang repasuhin ang mga polisiya at paigtingin ang pagpapatrolya sa mga apektadong lugar. Bagama’t ipinasara na ang mga tunnel sa Camp 7 tatlong taon na ang nakalipas, may ulat na may nagpapatuloy pa ring operasyon sa Camp 7, Kias, at Atok Trail.
Kamakailan, nagsagawa ng inspeksyon ang mga awtoridad at nakumpiska ang isang gas-powered engine na gamit sa pandurog ng mineral.
Nanawagan ang lungsod sa mga opisyal ng barangay na maging mapagmatyag at agad iulat ang anumang ilegal na aktibidad. Posible umanong may kaugnayan ang mga tunnel sa paglitaw ng sinkhole.










