--Ads--

Hinihikayat ang mga residente sa Baguio City na makilahok sa Household Garden Contest bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month, na naglalayong itaguyod ang mas luntian, masustansiya, at food-secure na komunidad.

Sa facbook post ng Baguio City Health Services Office, nakalagay na bukas ang patimpalak para sa lahat ng sambahayan sa loob ng barangay na nais ipakita kung paano makatutulong ang kanilang mga taniman sa bahay sa pagkakaroon ng mas malusog na pamumuhay.

Ang deadline ng pagpaparehistro ay sa Hulyo 15, 2026, habang isasagawa ang pre-assessment mula Hulyo 15 hanggang 17 at ang final judging mula Hulyo 29 hanggang 31, 2026.

May kabuuang cash prizes na hanggang ₱9,000 para sa mga mananalo. Makakatanggap ang unang gantimpala ng ₱9,000, ikalawang puwesto ng ₱7,000, ikatlong puwesto ng ₱5,000, at siyam na consolation prize winners ng tig-₱1,000.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga pamilya na magtanim ng sariling pagkain at makatulong sa pagpapaunlad ng mas malusog at mas luntiang pamayanan.