--Ads--

Idineklara ng Malacañang ang Martes, Hunyo 23, 2026 bilang special non-working day sa Tabuk City kaugnay ng pagdiriwang ng founding anniversary nito.

Nakasaad sa Proclamation No. 1259 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Tabuk na ganap na makilahok at makapagdiwang sa okasyon.

Sa ilalim ng special non-working holiday, ipinatutupad ang “no work, no pay” policy maliban kung may ibang kasunduan o company policy.

Ang mga empleyadong papasok sa trabaho sa nasabing araw ay may karampatang karagdagang bayad.