SOUTH KOREA – Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang ilan sa daan-daang residente ng Yeonpyeong island na tumakas patungo sa Yellow Sea matapos na pinuntirya ng North Korean cannon ang lugar sa border ng dalawang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Roel Toquero, Bombo International News Correspondent sa South Korea, walang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.
Nauna na ring binalaan ng United States ang North Korea na ang paglulunsad nito ng iba’t ibang artilliary ay isang paglabag sa resolusyon ng United Nations gayundin sa kasunduan sa pagitan ng North at South Korea.
Ipinagtanggol din ng North Korea na ang mga artillialery shell ay bilang tugon sa patuloy na joint military exercises sa pagitan ng South Korea at United States.
Matapos ilunsad ng North Korea ang humigit-kumulang 200 artilliery, agad na tumugon ang South Korea sa pamamagitan ng pagpapaputok ng 200 kanyon.//Rosemarie Bulsao