--Ads--

Suspendido ang trabaho sa ilang korte sa Ifugao sa Martes, Setyembre 2, bilang paggunita sa pagsuko ni Imperial Japanese Army General Tomoyuki Yamashita, ayon sa Korte Suprema (SC) nitong Lunes.

Ayon sa inilabas na anunsiyo ng SC, kabilang sa mga korte na walang pasok ay ang:

•Lagawe, Ifugao Regional Trial Court (RTC) Branch 14

•Banaue, Ifugao RTC Branch 34

•Municipal Circuit Trial Courts sa Lagawe-Hingyon sa Lagawe

•Banaue-Hungduan-Mayoyao sa Banaue

• Lamut-Kiangan-Asipulo-Tinoc sa Lamut.

Si Yamashita ay sumuko sa Kiangan, Ifugao ilang linggo matapos ideklara ang pagsuko ng Japan noong Agosto 15, 1945 sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang kanyang pagsuko ay inaalala tuwing Setyembre 3, na idineklarang special working public holiday sa buong bansa batay sa Republic Act No. 11216.

Matapos ang digmaan, si Yamashita ay napatunayang guilty sa war crimes at nahatulan ng kamatayan noong 1946.