Nagtipon ang Filipino community sa Japan sa isang dinner gathering kasama si President Ferdinand Marcos, kung saan personal na nakasalamuha ng ilan sa mga Pilipino roon ang pangulo sa gitna ng kaniyang state visit.
Ayon kay Myles Beltran, Bombo International News Correspondent Japan, isa sa mga nakadalo sa nasabing pagtitipon, naging mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino kay Pangulong Marcos bagamat may ilang supporters na hindi nakapunta.
Sa panayam ng Bombo Radyo, ibinahagi ni Beltran na nakikita nila na nagtatrabaho si Pangulong Marcos at ginagawa nito ang kaniyang makakaya upang matugunan ang sabay-sabay na suliraning kinahaharap ngayon ng Pilipinas.
Samantala, nakatakda ring makipagpulong ang Pangulo sa Prime Minister ng Japan ngayong araw, Mayo 28, upang pag-usapan ang pagpapalakas pa ng ugnayan ng Pilipinas at Japan. | via Bombo Khey Reparip









