--Ads--

BAGUIO CITY – Ipinaliwanag ng Baguio City Police Office (BCPO) ang mga impormasyon tungkol sa mga grupo ng hypebeast sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay C/Insp. Marlo Evasco, station commander ng BCPO Station 7, sinabi niya na ang mga nasabing grupo ay nagsasagawa ng negosyo, pagnanakaw at nagpapalaganap ng kaguluhan.

Sinabi niya na nagnanakaw ang mga kasapi ng grupo ng isang partikular na brand ng damit at ang kanilang mananakaw ay ibebenta nila sa mga kukupkupin nilang miyembro.

Aniya, masyadong mahal ang pagbebenta sa mga nanakaw na damit dahil umaabot pa ito sa P1,600 o higit pa para lamang sa isang piraso.

Binanggit niya na sasaktan naman ng grupo ang mga indibidwal na kanilang magpagtri-tripan lalo na yaong mga nakasuot ng mga damit na kagaya ng kanilang suot.

Idinagdag ni Evasco na natuklsan ng pulisya na ang mga grupo ng hypebeast ay kadalasang nagtitipon sa iba’t-ibang lugar sa sentro ng lunsod, gaya na lamang sa paligid ng Baguio City Hall, sa mga parke gaya ng Burnham Park at sa gilid ng mga kalsada.