--Ads--

Nabigo ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na makuha ang hinihiling na Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Korte Suprema matapos nitong ibasura ang kanilang Petition for Certiorari and Prohibition.

Ang naturang petisyon ay naglalayong pigilan ang posibleng pagpapadala kay Duterte sa Netherlands sa pamamagitan ng agarang pagpapalabas ng TRO at Writ of Preliminary Prohibition and Mandatory Injunction.

Matapos ang deliberasyon sa 94-pahinang petisyon, iginiit ng Korte Suprema na nabigo ang mga petitioner na makapagbigay ng sapat na batayan para sa agarang pag-apruba ng TRO.

Samantala, binigyan ng hukuman ng sampung (10) araw ang mga respondent sa kaso upang magsumite ng kanilang komento.

Kinumpirma rin ng Korte Suprema na natanggap na nila ang dalawang magkahiwalay na Petition for Writ of Habeas Corpus na inihain nina Davao City Mayor Sebastian Duterte at Veronica A. Duterte para sa dating pangulo.