--Ads--

Inilunsad ng Partners for Indigenous Knowledge Philippines ang “KASIYANA: A Glimpse of Healing in the Cordillera”, isang research-based na publikasyon na nagtatampok ng tradisyonal na pagpapagaling sa Cordillera, kabilang ang paggamit ng halamang gamot, hilot, at ritwal.

Ayon kay Sixto Talastas ng PIKP, layunin ng libro na dokumentuhin ang kaalaman ng mga nakatatanda at isulong ang integrasyon ng indigenous healing sa pambansang sistema ng pangangalagang pangkalusugan. Tampok sa aklat ang 35 kwento ng manggagamot at pasyente sa rehiyon, pati ang karaniwang karamdaman tulad ng ubo, sipon, pilay, trangkaso, at stroke.

Binibigyang-diin ng PIKP ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kaalaman ng mga nakatatanda, pagtuturo sa kabataan, at pag-validate ng tradisyonal na pamamaraan bilang siyentipiko, na kinikilala rin ng World Health Organization.

Lahat ng hakbang ay alinsunod sa Joint Memorandum Circular 2013-01 ng DOH, NCIP, at DILG, na nagbibigay gabay sa culturally sensitive healthcare.