BAGUIO CITY – ‘Love knows no boundaries.’ Ang kasabihang ito ay muling pinatunayan ng isang person deprived of liberty (PDL) at kanyang nobya na dating Overseas Filipino Worker (OFW) matapos silang magpakasal sa loob mismo ng Baguio City Jail noong Enere disi-otso sa taong kasalukuyan.
Ayon sa groom na si alyas Ben hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman nito dahil sa wakas ay napakasalan nito ang kanyang nobya bago ang nakatakdang pagilipat sa kanya sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.
Napag-alamang kombiktado kasi si alyas Ben sa isang kaso na isinampa laban sa kanya ng dati niyang kinakasama na may hatol na pagkakulong mula walo hanggang sampong taon at isa’t kalahating taon na itong nakapiit sa Baguio City Jail.
Ayon naman sa bride na si alyas Mari, sa kabila nang nakakulong ang kanyang nobyo at malilipat ito sa ay pumayag ito sa kasal dahil tunay niya itong iniibig.
Nagkakilala umano ang ang mga ito sa pamamagitan ng online noong hindi pa nasampahan ng kaso si alyas Ben.
Nagkaroon din sila ng anak na ngayon ay 11 months.
Sinabi naman ni Jail Superintendent April Rose Wandag-Ayangwa, Warden of Baguio City Jail Male Dormitory, ito na ang pinakaunang wedding ceremony na isinagawa sa loob ng bilanggoan matapos itong maidaan sa mahabang proseso.
Ito ay dinaluhan ng limitadong bisita na kinabibilangan ng kani-kanilang pamilya at piling Person Deprived of Liberty sa loob ng bilangoan.