--Ads--

Matutuloy ang laban nina Filipino fighter Stephen Loman at Georgian Lasha Abramishvili sa BRAVE CF 108 ngayong araw kahit bahagyang lumampas sa bantamweight limit si Loman.

Tumimbang si Loman ng 62 kilo, 0.2 kilo lampas sa 61.8-kilogram limit. Samantala, pumasa si Abramishvili sa 61.7 kilo sa kanyang second attempt.

Dahil dito, itutuloy ang tatlong-round na laban sa catchweight, kung saan isusuko ni Loman ang 15% ng kanyang purse.

Babalik si Loman sa BRAVE CF matapos ang ilang taong pagkawala sa kompetisyon. Mayroon siyang 17-3 professional record at nanalo sa lahat ng anim niyang laban sa organisasyon, kabilang ang pagkakamit ng inaugural BRAVE CF Bantamweight World Championship noong 2017.

Samantala, may 12-2-1 record si Abramishvili at undefeated sa apat niyang laban sa BRAVE CF. Tatlo sa kanyang mga panalo sa organisasyon ay dumaan sa stoppage.