--Ads--
Umaapela si Atok Mayor Franklin Smith sa mga residente at turista na maging matiyaga sa nararanasang trapiko sa kanilang munisipyo.
Ayon sa alkalde, gumagawa na ang lokal na pamahalaan ng mga kinakailangang hakbang at estratehiya upang masolusyunan ang problema sa trapiko.
Aniya, ang pagsisikip ng daloy ng sasakyan ay bunsod ng pagdami ng mga turistang dumadayo sa Atok.
Sinabi rin ni Mayor Smith na ang pamahalaang munisipyo, katuwang ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, ay nakaalerto at mahigpit na nagmomonitor sa galaw ng trapiko sa lugar.
Dagdag pa ng alkalde, sinisikap nilang matiyak na maging maayos at kasiya-siya ang pagbisita ng mga turista sa kanilang munisipyo.











