--Ads--

BAGUIO CITY-Muling ipinaalala ng Department of Labor and Employment- Cordillera sa mga employers ang maagang pagbibigay sa 13th month pay sa mge empleyado.

Ayon kay DOLE-Cordillera Regional Director Exequiel Ronie Guzman, kailangang lahat ng 13th month pay naibigay na bago ang Disiyembre 24.

Sinabi niya na kapag mabigo ang mga employers na magbigay sa 13th month pay bago ang nasabing araw ay maaaring magreklamo ang mga empleyado.

Aniya, laging bukas ang kanilang tanggapan para sa mga reklamo o hinaing ng mga empleyado laban sa kanilang mga employer.

Idinagdag ni Guzman na magsasagawa sila ng karampatang aksyon kapag may mga natanggap silang reklamo.

Sinabi niya na kapag tumanggi ang mga employer na magbigay ng 13th month pay ay posibleng makasuhan ang mga ito.