--Ads--

BAGUIO CITY-Umaasa ang isang SK Reform advocate sa Baguio City na madadagdagan pa ang bilang ng mga kabataang maghahain ng kanilang certificate of candicacy (COC) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Ito ay kasunod pa rin ng pagbibigay ng Comelec ng karagdagang araw para sa COC filing.

Una nang sinabi ni Baguio City Election Officer Atty. John Paul Martin na batay sa kanilang rekord ay may mahigit 40 na barangay sa lunsod ang hindi man lamang nakapaghain ng mga COC para SK.

Naniniwala si SK reform advocate Jayson Balag-ey na may iba’t-ibang dahil kung bakit nananatiling mababa ang bilang mga COC na natanggap ng Comelec para sa SK.

Sinabi niya na marahil marami pa sa mga kabataan sa lungsod ang nasa iba pang mga lugar dahil sa kanilang pag-aaral habang ang ilan sa mga ito ay nasa ibang mga lalawigan para sa kanilang pagbabakasyon.