--Ads--

BAGUIO CITY – Mahigpit na ipinatutupad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang direktiba sa mga hotel at malalaking establisimyento sa Baguio City na magpatupad ng sariling sewage treatment plan (STP), kasunod ng natukoy na paglabag ng lungsod sa umiiral na environmental standards.

Ayon kay Atty. Elmer Datuin, chairman ng Committee on Environment at miyembro ng Crisis Management Committte, nakatanggap ang lungsod ng abiso mula sa DENR hinggil sa problema sa sewage infrastracture na nagdudulot ng polusyon sa mga ilog na dinadaluyan ng wastewater mula sa siyudad.

“Actually sinuratan da tayon ti DENR panggep iti violation partikular daytuy sewage infrastracture tayo ta eventually, it is polluting the river ken nangato iti pollutance coming from Baguio”.

Ipinaliwanag ng opisyal na isa sa mga pangunahing dahilan ay ang kakulangan ng kapasidad sa kasalukuyang sewage treatment plan sa Sanitary Camp, na itinayo pa noong 1970s, kung saan hindi na sapat para sa lumalaking populasyon at dami ng establisimyemto sa lungsod.

Dahil dito, inaatasan ang mga hotel, malalaking gusali, pati na rin ang ilang tsansient houses at paaralan na nabigyan ng sulat, na magpatupad ng sariling sewage treatment plan alinsunod sa Clean Water Act.

Gayunpaman, umani ito ng pangamba mula sa mga negosyante dahil sa malaking gastos na kakailanganin upang makpagpagawa ng nasabing STP.

“Talaga nga ‘biting the bullet’ dayta, ta milyon ti gastos ken uray maintenance ket kailangan nga 24 oras.”

Ayon pa sa kanya, bagama’t walang problema ang mga bagong tayong gusali dahil may sarili na silang STP, nahihirapan ang medium at small-scale establishments na sumunod sa direktiba. Kung kaya’t nagsilapit ang ilang business owners sa city government upang humingi ng tulong, partikular sa pagpapalawig ng anim na buwang deadline na itinakda ng DENR.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na makikipagdayalogo iti sa ahensya upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga establisimyento na makasunod.

“We will do everything to help them ken makipagdayalogo tayo iti DENR tapno ma-extend ti deadline,” pahayag niya.

Sa kabila nito, iginiit ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng agarang aksyon upang maiwasan ang mas matinding epekto sa kalikasan mapanatili ang imahe ng siyudad ng Baguio bilang isang pangunahing tourist destination. //Althea Lopez, Bombo Local News Correspondents