BAGUIO CITY – Pinarangalan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Cordillera ang mga kasapi ng PNP at AFP na sumabak sa giyera sa Marawi City, kasabay pa rin ng selebrasyon ng Indigenous People’s Month sa lungsod ng Baguio.
Ayon kay S/Insp. Jonalyn Malnat, tagapagsalita ng PNP-Special Action Force (SAF), isang karangalan para sa kanila na makilala ang kabayanihan ng mga sundalo at pulis na lumaban sa siyudad ng Marawi.
Sinabi naman niya na sa kabila ng pagkamatay ng marami nilang kasamahan ay nananatili pa ring mataas ang kanilang morale.
Napag-alamang mula sa 163 na bilang ng mga nalagas sa panig ng pamahalaan ay walo rito ang mula sa Cordillera.
Sa kabuuang bilang naman ng mga kasapi ng PNP-SAF ay 60 percent sa mga ito ang Cordillerans, kabilang na ang ilang battalion commanders at ang mismong PNP-SAF director.