BAGUIO CITY – Muling binuksan sa publiko ang Mt. Ulap sa Ampucao, Itogon, Benguet.
Ito ay matapos isara sa publiko ang nasabing bundok sa loob ng ilang linggo dahil sa panununog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa dalawang truck ng Philex Mining Corporation doon.
Ayon kay Pol. S/Insp. Jeffrey Vicente, chief of police ng Itogon Municipal Police Station, pinayagan na ng mga organizer ng Mt. Ulap ang pag-akyat ng mga turista sa bundok.
Sa kabila nito, sinabi niyang hindi pa dapat pinapayagan ang pag-akyat ng mga turista dahil kailangan pa umano ang pre-caution.
Samantala, inutusan nila ang mga tagapagbantay ng Mt. Ulap na kailangan nilang bilanging mabuti ang mga turistang aakyat at bababa doon upang masiguro na walang nawawala sa mga ito.
Tiniyak nito na magpapatuloy ang pagmomonitor nila sa munisipyo upang masiguro ang seguridad doon.