--Ads--

Nagkaharap at nagyakapan sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Leyte 4th District Representative Richard Gomez sa ginanap na DILG: Official Welcome and National Inception Workshop kaninang umaga sa Ortigas, Manila.

Ang mainit na tagpo ay naganap ilang araw matapos ang matapang na pahayag ni Gomez laban sa isang umano’y “clean mayor” na aniya’y dapat ayusin muna ang sariling bakuran bago sabihing sangkot sa korapsyon ang Kongreso.

Sa isang cryptic na Facebook post noong Martes, sinabi ni Gomez na ang akusasyon ng nasabing alkalde ay hindi ukol sa korapsyon, kundi personal na alitan sa kongresistang kinatawan ng lungsod ng mayor.

Bagamat walang tahasang pangalan ang binanggit, marami ang naniwalang si Mayor Magalong ang pinatutungkulan—lalo’t kilala ito sa kanyang mga pahayag laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Sa kabila ng kontrobersiya, nagpakita ang dalawang opisyal ng respeto sa isa’t isa—nagyakapan pa bilang tanda umano ng pagkakasundo.