--Ads--

Tinatayang aabot sa P18 million ang danyos sa pagkasunog ng basement ng makasaysayang Maharlika Livelihood Complex sa lungsod ng Baguio noong gabi ng Sabado.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Senior Fire Officer I Lloyd Ashley Furigay, inamin nitong nahirapan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag-apula sa nangyaring sunog dahil sa makapal na usok sa loob ng basement kaya kinailangan pa nilang gumamit ng Smoke Ejector.

Aniya, aabot sa 1,500 square meters ang lawak ng nasunog na ikinasira ng mga magkakadikit na mga stalls at ibat-ibang prdukto tulad ng mga tela o damit.

Sa ngayon ay sarado pa sa publiko ang basement ng gusali at sinusuri pa ng mga structural engineers kung ligtas ito sa publiko at mga stall owners.

Kinumpirma din ng opisial na wala namang namatay o nasugatan na indibidwal sa nangyaring sunog.

Patuloy din naman ang imbestigasion ng mga kinauukulan ukol sa sanhi ng sunog.

Una dito, naitawag sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog alas 9: 15 ng gabi noong Sabado at ideneklara ang fire out alas 5:04 ng umaga kahapon.

Nagtulungan naman na ang City Social Welfare and Development Office at ang Department of Social Welfare and Development Cordillera para sa profling ng mga tenants at empleyado na naapektuhan ng sunog.

Matatandaang ang nasabing building ay is sa mga pinakalumang gusali sa City of Pines na naitayo noong 1982 sa inisyatiba ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ito ay pinamahalaan ng Kagawaran ng Agrikultura hanggang at naipasamakamay lamang sa pamahalaan ng lungsod ng Baguio noong Mayo, 2025.

Una na rin itong tinamaan ng sunog noong Hulyo 16, 2025 kung saan tinatayang nasa P11 milyon ang iniwan nitong pinsala.