--Ads--
Ipinagpaliban nang walang tiyak na bagong petsa ang inaabangang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., ayon sa kampo ng Filipino boxing legend.
Sinabi ng kampo ni Pacquiao na naapektuhan ang laban dahil sa mga kinahaharap na kaso, problema sa iskedyul, at isyung pinansyal ng kampo ni Mayweather. Target na ngayong idaos ang laban sa unang bahagi ng 2027.
Iginiit ni Pacquiao na dapat maging opisyal na laban ang rematch at hindi exhibition. Aniya, iyon ang nakasaad sa kontratang nilagdaan nila at nais niyang maitala ang unang pagkatalo ni Mayweather sa kanyang propesyonal na rekord.










