Posibleng makaharap ni Manny Pacquiao sina Ryan Garcia o Rolly Romero sa isang exhibition fight bago ang inaabangang rematch nila ni Floyd Mayweather Jr., na target nang idaos sa Enero 2027.
Ayon kay MP Promotions CEO Jas Mathur, naantala ang orihinal na iskedyul ng rematch dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang kampo kung ito ba ay magiging opisyal na propesyonal na laban o exhibition match.
Sinabi rin ni Mathur na balak ni Pacquiao, 47, na lumaban muna sa isang exhibition bout sa huling bahagi ng 2026 upang manatiling aktibo. Kabilang sa mga posibleng makalaban ang dating world champions na sina Ryan Garcia at Rolly Romero.
Idaraos ang inaabangang Pacquiao-Mayweather rematch sa 153 hanggang 154 pounds, bagama’t hindi pa isiniwalat ang venue at streaming partner ng laban.











