--Ads--
Iginiit ni Sen. Robin Padilla na hindi niya tinulungan si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na umiwas sa pag-aresto kaugnay ng warrant ng International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Padilla na handa siyang harapin ang subpoena ng Department of Justice (DOJ) at ang reklamong obstruction of justice laban sa kanya.
Ayon kay Padilla, walang naganap na pagtakas dahil sumakay lamang umano si Dela Rosa sa kanyang sasakyan, na makikita sa CCTV.
Sinubukang ihain ng mga awtoridad ang ICC warrant kay Dela Rosa sa Senado noong Mayo 11. Makalipas ang ilang araw, nakalabas siya sa gusali at mula noon ay hindi na nakita sa publiko.
Sinabi ni Padilla na haharap siya sa prosecutors at magsusumite ng kanyang counter-affidavit sa Setyembre 25 at Oktubre 9.










