--Ads--

BAGUIO-Nagpapatuloy na humihingi ng supurta ang isang online petition na humihingi sa pagpapahinto ng isang kompanya sa pagputol ng mga puno sa Outlook Drive, dito sa siyudad ng Baguio.

Dahil dito, inumpisahan ni environmental activist Michael Bengwayan ang nasabing petisyon na humihingi sa pagtatalakay ni Mayor Benjamin Magalong sa isyu lalung-lalo na at nakakuha na ang kompanya ng tree-cutting permit mula sa Department of Environment and Natural Resources.

Umapela sila kay Mayor Magalong dahil alam nila na kinikilala ng mayor ang halaga ng mga puno sa siudad at umaasa sila na may maging aksyon ang mayor sa nasabing petisyon.

Maa-alalang ibinigay ng DENR ang Special Private Land Timber Permit sa Vista Residences Incorporated na pumapayag sa pagpuputol sa 53 na Benguet Pine at isang Norfolk Island Pine sa pribado na lote ng kompanya sa Outlook Drive.

Ayon sa rekord ng DENR-Cordillera, nag-apply ang property owner ng nasabing permit noong 2018 at naipasailalim ito ng mahabang proseso at sumunod naman ang mga ito sa pagkuha Environmental Clearance Certificate, barangay certificate at mayor’s clearance.

Napag-alaman na dodoblehin ng kompanya ang 5,400 na unang itinakdang bilang at dami ng Benguet Pine Seedling na ipapalit nila sa mga puputulin nilang puno.