BAGUIO CITY – Pangungunahan ng babaeng kadete na anak ng magsasaka at barangay official mula Surigao City, Surigao Del Norte ang magsisitapos sa Philippine Military Academy o PMA Bagong Sinag Class of 2024 sa Philippine Military Academy, Fort Gregorio del Pilar, Baguio City sa Mayo 18.
Ito ay si Cadet 1CL Jeneth Elumba, na Magna Cum Laude rin sa klase, 24 taong gulang na papasok sa Philippine Army.
Ayon kay PMA supt. LtGen. Rowen Tolentino PA, Superintendent ng Philippine Military Academy, si Cadet Elumba na ang ikapitong babae na topnotcher sa buong kasaysayaan ng PMA simula pa noong 1997.
Ayon naman kay Cadel 1CL Elumba, naging inspirasyon niya ang kaniyang ama na isang magsasaka sa pagpasol nito sa Philippine Military Academy. Sinabi rin nito na ang kanyang ina ay naninilbihan bilang isang kawani ng barangay.
Samantala, ang PMA Bagong Sinag Class of 2024 ay binubuo ng 278 na kadete na kinabibilangan ng 224 na mga lalaki at 54 na mga babae.
Mula sa nasabing bilang, 144 ang papasok sa Philippine Army; 62 sa Philippine Air Force, at 72 sa Philippine Navy.
Maliban kay Cadet 1CL Jeneth Elumba, rank 2 naman si Cadet 1CL Mark Armuel Boiles, 21, mula Novaliches, Quezon City; rank 3 si Cadet 1CL Kim Harold Gilo, 22, mula sa Villa Kananga, Butuan City; Rank 4 si Cadet 1CL Cyril Joy Masculino, 22 mula sa Nabua, Camarines Sur; Rank 5 si Cadet 1CL Rosemel Dogello, 21 mula sa Jamindan, Capiz; Rank 6 si Cadet 1CL Alexa Mye Valen, 21 mula sa Kapatagan, Lanao del Norte; Rank 7 si Cadet 1CL Floyd NiƱo Arthur Roxas, 23 mula sa Leganes, Iloilo Province; Rank 8 si Cadet 1CL Giselle Tong, 22 mula sa Tuguegarao City, Cagayan; Rank 9 sa Cadet 1CL Danica Marie Viray, 23 mula sa Villamor Air Base, Pasay City; at Rank 10 si Cadet 1CL Neriva Binag, 22 mula sa Cabagan, Isabela.
Samantala, hinihikayat naman ni LtGen. Tolentino ang mga kadete na ipractice o i-serve nila ang kanilang napiling profession dahil kapag nakapag-asawa sila ay magigiling limitado na.