Pinangunahan ni Atty. Paolo Salvosa, Strategic Consultant ng University of the Cordilleras ang pamamahagi ng tulong at assistance sa mga naapektuhan ng sunog sa Camp 6, Tuba, Benguet.
Kabilang sa ipinamahagi ni Atty. Salvosa ang mga hygiene kits lalo na sa mga pamilya na nawalan ng tirahan matapos matupok ang mga bahay noong madaling araw ng Enero sa pagpasok ng bagong taon.
Nakipagpulong din ang opisyal sa mga residenti doon upang malaman pa ang kanilang hinaing at mga pangangailangan.
Si Salvosa ay nagsisilbi ding head ng Project Helen ng UC na layuning tumulong sa gobierno sa pamamagitan ng mga programa nila sa kalusugan, edukasyon, pangkabuhayan, proteksyon sa kapaligiran at community support.
Matatandaan noong madaling araw ng Enero sa pagpasok ng bagong taon at malakas na sunog ang sumalubong sa mga residenti ng Camp 6 sa Tuba, Benguet kung saan isa ang nasawi at aabot sa 27 na kabahayan at isang simbahan ang naabo.//via Bombo Jordan Tablac