--Ads--

LA TRINIDAD, Benguet – Isang magulang ang boluntaryong nagsuko ng isang patalim sa mga Criminology intern na nagpapatrolya sa paligid ng Balili Elementary School. Agad itong ipinasa sa Barangay Committee on Peace and Order at Punong Barangay para sa dokumentasyon at kaukulang aksyon noong Hulyo 6.

Pinaghihinalaang pag-aari ng isang mag-aaral ang nasabing bagay. Dahil dito, nanawagan ang Barangay LGU sa mga magulang at guardian na regular na suriin ang mga bag at gamit ng kanilang mga anak bago pumasok upang mapanatili ang kaligtasan sa paaralan.

Ang insidente ay kasunod ng ilang ulat ng pagkakadiskubre ng mga armas sa mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hinimok naman ng Department of Education (DepEd) ang mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa pagdadala ng patalim at iba pang mapanganib na bagay sa loob ng mga campus.