Isinasagawa na ng Philippine Coast Guard ang medical evacuation para sa sugatang miyembro ng Armed Forces of the Philippines kasunod ng panibagong tensyon sa Ayungin Shoal kahapon, kung saan pinaghahampas ng mga tauhan ng China Coast Guard ang mga Pilipinong nagmamando sa BRP Sierra Madre gamit ang wooden baton
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Coast Guard Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, nagtungo na kahapon sa Ayungin Shoal ang BRP Melchora Aquino, ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard, kasama ang BRP Malapascua upang isagawa ang medical evacuation.
Aniya, nagtamo ng sugat sa ulo ang AFP personnel matapos ang panghahampas ng mga tauhan ng China Coast Guard kaya kinakailangan itong mabigyan ng agarang medikal na atensyon.
Inaasahan namang maisasakay ngayong araw ang nasabing AFP personnel at madadala sa Palawan upang sumailalim sa kinakailangang gamutan.
Kasabay niyan, binatikos ni Commodore Tarriela ang ginawa ng mga tauhan ng China Coast Guard kung saan tinatawag niya itong ‘bayolente’ at ‘barbaric act’. //bombokaren.c.sapirao











