--Ads--

Ipinaliwanag ni Atty. Benjamin Tolosa Jr., private prosecutor sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, na maaaring ituring na kasing-bisa ng orihinal ang photocopies ng mga dokumentong inihaharap bilang ebidensya sa korte.

Ayon kay Tolosa, pinapayagan ito sa ilalim ng amended Rules of Evidence basta’t walang lehitimong isyu sa pagiging tunay ng dokumento.

Ginawa niya ang pahayag matapos tutulan ng depensa ang ilang photocopied documents na iniharap ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng mga pahayag ni Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya.

Iginiit ni Tolosa na ang pagkakaiba sa ilang marka o certification ng kopya ay hindi sapat para kuwestiyunin ang authenticity nito dahil pareho lamang umano ang nilalaman ng mga dokumento.

Samantala, pinayagan ng Senate impeachment court ang pagpapalabas ng video ni Duterte na naglalaman ng kanyang pahayag tungkol kina Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez, na iniharap bilang ebidensya ng prosekusyon.