BAGUIO CITY- Pinaalalahanan ni Philippine National Police Chief PGEN Rommel Francisco Marbil ang mga pulis na gawin ang kanilang obligasyon at tungkulin sa komunidad para mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa bansa.
Sa kanyang command visit sa Police Regional Office Cordillera sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet kahapon, sinabi niya na ang mga pulis ay dapat may dignidad kaya kailangan nilang alagaan ang kanilang trabaho.
Maliban dito, pinayuhan din niya ang pulis na paigtingin ang pagbabantay nila sa mga COMELEC checkpoints upang matiyak ang kapayaan habang papalapit ang eleksyon.
Kasabay nito, pinamunuan naman ni Marbil ang pagpresenta sa mga surrendered at mga nakumpiskang baril mula sa Abra Police Provincial Office.
Kabilang dito ang 157 na mga nakumpiskang mga baril noong 2023 na kinabibilangan ng 71 na pistol, 61 na revolver, at 25 na shotgon.
Kasama din sa iprinesenta ang nakumpiskang 274 na mga baril noong nakaraang taon kabilang dito ang 125 na pistol, 99 na revolver, 43 na shotgun at pitong riffle.
Kasabay nito pinarangalan ni PGEN Marbil ang Police Regional Office- Cordillera o tinatawag na “Home of the most discipline cops” dahil sa matagumpay na pagkahuli nila ng kabuuang 1657 na wanted individuals na kinabibilangan ng mga 354 na most wanted, 335 na drugs personnels, 13 na terorista kasama na din dito ang 116 na surrendered terrorist at 83 na individuals na naaresto.
Kasama din dito ang pag-aksyon nila sa mga 164 na kaso ng cybercrime cases.//Bombo News Team