--Ads--

BAGUIO CITY – Hinimok ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang Philippine Military Academy “Bagong Sinag” Class of 2024 na idepensa ang soberanya at teritoryo ng Pilipinas laban sa mga mananakop.

Sa graduation rites ng mga kadete, ang Bagong Sinag na naipangalan sa kanila ay tanda ng pag-uumpisa ng bagong Pilipinas kung saan kinakailangan ang sama-sama at aktibong pagtutulongan.

Sinabi pa ng Pangulo na dapat maging flexible at laging handa para makamit ito.

Samantala, pinasalamatan ni 2nd Lieutenant Jeneth Elumba, valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Bagong Sinag Class of 2024 at anak ng magsasaka at barangay official mula Surigao City, Surigao Del Norte, ang mga taong nasa likod ng kaniyang tagumpay.

Aabot sa 278 na kadete ang nagtapos noong Mayo 18 sa Philippine Military Academy na kinabibilangan ng dalawang daan at dalawamput apat na lalaki at limamput apat na babae.