BAGUIO CITY – Kinagiliwan ng mga residente at bisita ang ika-pitong fishing tournament na ginanap sa Burnham Park kasabay ng pagdiriwang ng ika-126th na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa lungsod ng Baguio kahapon, Hunyo 12.
Sa interview ng Bombo Radyo kay Rafael Serrano, Fishing Tournament Coordinator, kabuoang tatlumpung indibidwal na kinabibilangan ng residente ng lungsod, turista at bisita mula sa ibang nasyon ang nakilahok sa nasabing torneo.
Ayon kay Serrano, nagsimula ang fishing tournament sa alas-7:30 ng umaga kung saan ilan sa mga participants ay last minute na nagparehistro para lumahok at subukan ang pangigisda sa nasabing lawa ng lungsod.
Kabilang sa mga nag-enjoy si Jim Griffiths mula sa United Kingdom, isa sa mga kalahok sa 7th Fishing Tournament kung saan ito ay natuwa at nagulat na nakakita ng potensyal na lugar para sa mga aktibidad sa pangingisda sa mas mataas na lugar ng lungsod.
Samantala, sina bi Serrano na hindi ito ang huling fishing tournament dahil gaganapin ang susunod na torneo sa Setyembre uno bilang bahagi ng selebrasyon ng Baguio Day.
Kung maalala ay ginanap ang ika-anim na Fishing Tournament noong Marso 16, kung saan ang nanalo ay nakahuli ng apat na isda na may kabuoang saukat na 33 inches.