--Ads--

Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang motion for reconsideration ni dating House Speaker Martin Romualdez na manatili sa ospital o ilipat sa government hospital sa Quezon City.

Ayon kay Associate Justice Karl Miranda, clinically stable si Romualdez at hindi na nangangailangan ng hospital confinement, batay sa testimonya ng UP-PGH Medical Director Dr. Gerardo Legaspi.

Sinabi rin ng korte na maaaring bantayan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kondisyon ni Romualdez at dalhin siya sa ospital kung kinakailangan.

Kaugnay ng reklamo ng depensa na walang ECG machine sa Payatas jail, inatasan ni Miranda ang BJMP na humiling ng pondo sa Department of Budget and Management para makabili ng ECG machine para sa mga persons deprived of liberty.

Tinanggap ng kampo ni Romualdez ang desisyon ngunit sinabi nilang gagamitin pa rin nila ang iba pang legal na remedyo.

Samantala, naghahanda rin ang depensa na maghain ng petition for bail kaugnay ng P7.4-bilyong plunder case laban sa dating speaker.

Nananatili si Romualdez sa Quezon City Jail sa Payatas mula nang ilipat siya roon noong Setyembre 14.